Babalik pa kaya?
- Sep 13, 2016
- 1 min read

Ang mga tutubi na pinutulan ng pakpak
Ang mga paru-parong ipinagkait sa bulaklak
Ang mga ibon na tinanggalan ng laya
Ang mga inexpirmentong palaka
Ang mga punong kahoy na ginawang tabla
Ang imburnal na pinagtapunan ng papael na bangka
Ang mga gintong kahol na niyupi gamit ang paa
Ang mga tipaklong na pinagbabali ang hita
Ang mga guppy na isinilid sa maliit na lata
Ang mga uod na tinuhog makahuli lang ng isda
Ang mga bahay ng bubuyog na giniba
Ang mga ikinulong sa posporo na gagamba
Ang mga pagong na nakakabobo hawakan
Ang mga tuko na didikit sa iyong katawan
Babalik pa kaya?



Comments