Musika
- Sep 13, 2016
- 1 min read

Sa panahon ngayon kahit siguro ang anim na taong gulang na bata ay may facebook acount na. Ang iba marahil sa kanila ay may tumblr at twitter account pa. Idagdag pa natin sa kaunlarang pangkaisipan ang mga nalikhang online games na sadyang kinahuhumalingan talaga ng mga kabataan ngayon, kagaya nang DOTA, HON, LOL at marami pang iba.
Totoo, hindi pa sikat sina Justin Bieber, Lady Gaga at Rihanna noon. Pero lubos ko pa ring ipagmamalaking napabilang ako sa henerasyon ng mga tunay na astig sa larangan ng musika! Higit akong natutuwa na naging bahagi ng aking kabataan sila Parokya ni Edgar, Rivermaya at Eraserheads - mga mang-aawit at mga musikerong nilaan ang kanilang buong puso at diwa upang mapatunayang ang musika ay buhay at buhay!



Comments